127
Abante-TnT-rodrigo-duterte-gary-alejano
By

Impeachment vs Duterte, ikakasa ng Magdalo

Sharing is caring!

Kinumpirma ni Magdalo Partylist Rep. Gary Alejano na pinag-uusapan ng kanilang grupo ang posibilidad ng paghahain ng panibagong impeachment complaint laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.


Sa press conference, sinabi ni Alejano na pinag-iisipan nilang gawing ground sa reklamong impeachment laban sa Pangulo ang labis na pagpapabaya sa isyu ng pananakop ng China sa West Philippine Sea.


Paliwanag ng kongresista, kung dati ay masasabi pang dereliction of duty ang ginawang pagbalewala ni Duterte sa problema sa China, ngayon ay maituturing nang treason ang kawalan nito ng hakbang samantalang hindi lamang pag-reclaim ng mga isla ang ginagawa ng China kundi todong militarisasyon na.


“Yung pagpa-file ng impeachment complaint ay isang bagay na pinag-uusapan ng grupo,” ayon kay Alejano.

Pero aminado si Alejano na kailangan nila itong timbanging mabuti dahil balewala rin ang bagong impeachment complaint laban sa Pangulo kung nananatili pa rin sa dati ang komposisyon ng Kamara na mayorya ay kaalyado ng administrasyon.

“If you have the kind of make-up right now in the House of Representatives, we will go through the same process [as last year] unless na may bago,” sabi ni Alejano.

“Ibig sabihin ng bago ay malaking portion ng miyembro ng Kongreso ay talagang sasanib sa pag-file ng impeachment complaint, then bago ‘yan. Pero kapag hindi, at hindi naman aabot, I think that will be futile,” dagdag ng kongresista.

Sa Mayo 15, mag-iisang taon na ang pagkakabasura ng House justice committee sa impeachment complaint ni Alejano laban sa Pangulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?