311

Aug 29, 2018 @ 16:29
By

Impeachment vs 7 justices, walang kasiguruhang magtatagumpay – Speaker Gloria

Hindi awtomatikong magtatagumpay sa Kamara ang reklamong impeachment laban kay Chief Justice Teresita Leonardo de Castro at anim na iba pang mahistrado ng Korte Suprema.

Pahiwatig ito ni Speaker Gloria Macapagal-Arroyo bagama’t winelcome ang impeachment complaints na inihain laban sa mga mahistradong nagpatalsik kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

“Any citizen has the right to invoke the constitutional provision on impeachment but as to whether it will prosper, that is another question,” ani Arroyo.

Inireklamo sina De Castro at Supreme Court Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Andres Reyes Jr., Francis Jardeleza, Noel Tijam at Alexander Gesmundo ng culpable violation of the Constitution at betrayal of public trust kaugnay ng kanilang papel sa pagpapatalsik kay Sereno sa pamamagitan ng quo warranto petition.

Una nang sinabi ni GMA na dapat bilisan ang impeachment proceedings sa Kamara para hindi makaapekto sa legislative work.

Dahil dito’y nangangamba naman si Albay Rep. Edcel Lagman, isa sa complainants, na agad mababasura ang impeachment complaints.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?