83

Jan 2, 2018 @ 13:37
By

Impeachment trial kay Sereno, kasado sa Mayo – Umali

Maaring simulan sa Mayo ang impeachment trial kay Chief Justice Maria Lourdes Sereno, ayon kay House Justice Committee Chairman Reynaldo Umali.

Tinaya ni Umali na mapagbobotohan sa Kamara ang impeachment complaint laban kay Sereno bago ang Holy Week.

Itutuloy ng komite ang pagdinig sa January 15 na sesentro na sa betrayal of public trust.

“Out of 27 allegations, nandoon pa lang tayo sa 5 or 6 na nako-cover natin. Marami pa ang gustong tumestigo,” ayon kay Umali.

Sabi ng kongresista, baka abutin pa hanggang Pebrero ang hearings bago madala sa plenaryo para mapagbotohan.

Pagkatapos nito, saka aniya iaakyat ang articles of impeachment sa Senado na tatayong impeachment court. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?