74

By

Impeachment hearing kay Sereno, wa epek sa ibang trabaho ng Kamara

Sharing is caring!

Hindi mahihinto ang ibang trabaho sa Kamara kahit maging abala ang mga kongresista sa impeachment complaint laban kay Supreme Court (SC) Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Paliwanag ni Deputy Speaker at AAMBIS-OWA Partylist Rep. Sharon Garin, ang House Committee on Justice lang naman ang nakatutok sa usapin ng impeachment.

Meron pa aniyang mahigit 50 komite na magpapatuloy ng mga pagdinig sa ibang legislative agenda.

“We don’t anticipate naman na maging stagnant ‘yung ibang committees because there is the Committee on Justice, we have… how many? 56 standing committees that are very active,” sabi ni Garin.

Inisa-isa ni Garin ang mga prayoridad ng Kamara kabilang ang Comprehensive Tax Reform Program, Utilization of the Coconut Levy Fund, United National ID System Act, Strengthening the Balik-Scientist Progam, Occupational Safety and Health Standards Compliance Act, Engance Universal Health Care Act at amyenda sa Public Service Act.

Naniniwala rin ang deputy speaker na matatalakay na ang Bangsamoro Basic Law (BBL) sa lalong madaling panahon.

Paliwanag nito, nagkasundo naman na ang mga kongresista sa magiging bersiyon ng BBL at kailangan na lamang pagtibayin ang panukala.

“I understand that this is a priority of the Speaker as well as the President. Hence, I believe that it will be tackled as soon as possible,” ani Garin.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?