93

Dec 13, 2017 @ 19:06
By

Impeachment complaint laban kay Morales, walang endorser

Sinampahan ng impeachment complaint ng Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) si Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Isinumite ang reklamo sa Office of the House Secretary General pero wala pang kongresista na nag-endorso nito.

Kasama sa mga complainant sa impeachment case laban kay Morales ang pamilya ng SAF44, Tanggulang Demokrasya Inc., Vanguard of the Philippine Constitution Inc., dating MRT General Manager Atty. Al Vitangcol at mga dating kongresista na sina Glenn Chong at Jacinto Paras.

Sa 94 na pahinang reklamo, anim na grounds ang pinagbasehan ng impeachment complaint kabilang ang culpable violation of the constitution, treason, bribery, graft and corruption, betrayal of public trust at other high crimes.

Ilan sa mga alegasyon kay Morales ay pagsasapubliko ng bank records ni Pangulong Rodrigo Duterte na malinaw umanong paglabag sa Anti-money laundering Law, ang pakikipagsabwatan diumano kay Overall Deputy Ombudsman Arthur Carandang sa pag-iimbestiga sa yaman ng mga Duterte, ang pagpabor na maibasura ang kaso ni Dino Salceda kung saan ang abogado nito ay kapatid ng Ombudsman na si Atty. Lucas Carpio.

Nagpabaya rin umano si Morales sa tungkulin nito at pinairal ang selective justice kung saan naging biased ito kay dating Pangulong Noynoy Aquino sa mga kaso ng Disbursement Acceleration Program o DAP at Mamasapano case.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?