22

By

Impeachment complaint kina CJ De Castro, 6 pa, binasura sa Kamara

Wala pang 10 minuto ay nadesisyunan na ng House Committee on Justice ang pagbaon ng mga impeachment complaint laban kay Chief Justice Teresita de Castro at anim pang Supreme Court justice.

Naging unanimous ang botohan, 22-0, sa pagtanggap ng mosyon ni Congressman Henry Oaminal upang ibasura ang mga kasong impeachment laban sa pitong mahistrado.

Kasama ni De Castro sa naturang hinaing ay sina SC Associate Justices Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Andres Reyes, Francis Jardeleza, Noel Tijam at Alexander Gesmundo dahil sa pagkasibak kay dating CJ Maria Lourdes Sereno sa bisa ng quo warranto petition.

Ang nasabing reklamo ay inihain nina Albay Representative Edcel Lagman, Ifugao Representative Teddy Baguilat at Magdalo party-list Representative Gary Alejano.

Kasunod nito ay ang pagpapasa ng committee report sa plenaryo upang maipaapruba, at kinakailangang one-third sa kabuuang bilang ng miyembro sa Kamara ang kinakailangan upang matanggap ang committee report.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?