tom
By

Impeachment complaint, ikakasa laban sa 8 SC justices

Sharing is caring!

Naghahanda ng impeachment complaint ang grupong Magnificent 7 ng Kamara laban sa 8 mahistrado ng Korte Suprema na bumoto pabor sa quo warranto petition laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Sa isang press conference, sinabi ni Akbayan partylist Rep. Tom Villarin na ground na culpable violation of the constitution laban kina Justices Teresita de Castro, Diosdado Peralta, Lucas Bersamin, Francis Jardeleza, Samuel Martires, Noel Tijam, Andres Reyes Jr. at Alexander Gesmundo.

Paliwanag ni Villarin, sinagasaan ng Supreme Court partikular ng 8 mahistrado ang kapangyarihan ng dalawang kapulungan ng kongreso.. ang Senado at Kamara na magpatalsik ng impeachable official sa pamamagitan ng impeachment process.

Matatandaang sa botong 8-6, pinatalsik ng Kataas-taasang hukuman ang punong mahistrado.

Iiginiit ng kongresista na kuwestyonable ang naturang hakbang lalo’t ang dalawang mahistrado ay miyembro ng Judicial and Bar Council na nag-apruba sa nominasyon ni Sereno.

Gayundin, ang 5 mahistrado anya ay humarap sa impeachment proceding sa Kamara pero hindi nag-inhibit sa proseso ng quo warranto petition.

“When we really dissect the decision.. una, you have the 5 justices na pumunta sa House and became one of the.. they became the accusers of the Chief Justice, in fact ilang hearings sila dumalo dun. And there was a motion to inhibit the six pero still they did not inhibit themselves, so when a Supreme Court especially the 8 justices becomes the accuser, the witness and the judge, so talagang may problema dun sa desisyon na yan, so we cannot just say na pabayan na lang natin dahil sila naman ang Supreme Court,” ani Villarin.

“Kahit isang miyembro ng House na mag-file ng impeachment complaint then the proper move is really for the House to hear that complaint, so dito ilalabas yung mga arguments. And it would also expose the House ano ba talaga yung position with regards to its mandate kasi dito china-challenge.. this decision of the Supreme Court practically challenges the House and the Senate dun sa kanilang Constitutional mandate,” dagdag ng kongresista.

Binanggit ni Villarin na balak nilang ihain ang reklamo bago ang sine die adjournment ng Kongreso sa huling linggo ng Mayo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?