58

Nov 7, 2017 @ 18:55
By

Impeachment case vs Sereno tuloy kahit hindi siya magbitiw – Palasyo

Nasa Kongreso na ang bola para sa pag-usad ng impeachment proceedings laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ito ang inihayag kahapon ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng pagbasura ng Chief Justice sa panawagan nitong boluntaryong mag-resign para mailigtas ang hudikatura sa mas matinding pinsala.

Ayon kay Roque, iginagalang nito ang tugon ni Sereno kung ayaw makinig sa kanyang mungkahi.

Dahil sa pagmamatigas aniya ni Sereno, tiyak na magtutuloy-tuloy na ang constitutional process para sa impeachment nito.

“That’s fine. That’s her answer and we let it be from now on. The suggestion was made to resign so that the constitutional process of impeachment will not have to continue. But since she refused, we will now let the constitutional process of continue to proceed. Henceforth, that’s the call of the House and that’s the call of the Senate,” ani Roque.

Wala na rin aniyang balak na maghain ng hiwalay na impeachment complaint si Pangulong Rodrigo Duterte laban kina Sereno at Ombudsman Conchita carpio Morales dahil may nakabinbin ng reklamo laban sa dalawa sa kamara.

Mas makabubuti aniyang hayaan na lamang na gumulong ang proseso ngayon sa mababang kapulungan ng kongreso kung ano ang magiging kahihinatnan ng impeachment complaint laban kina Sereno at Morales.

“Well, he doesn’t really have to file impeachment complaints against either because I think other individuals have done it for him ‘no. And there can only be one impeachment complaint per year ‘no. So we know that the impeachment against the Chief Justice is now being deliberated upon by the Committee on Justice,” ani Roque.

“I expect the committee to resume its hearings on the existence of probable cause after they come back from their recess this 20th of November. So henceforth, our position will be, let the process continue. Let the House take care of the impeachment complaint and after that, we’ll see if it could reach the Senate,” dagdag pa nito. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?