92

Nov 5, 2017 @ 16:12

Impeachment case vs Sereno, mas malakas kay Bautista – Alvarez

Idineklara ni Hous Speaker Pantaleon Alvarez na malakas pa ang impeachment complaint laban kay Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno kumpara sa kaso ni resigned Commission on Elections (Comelec) chairman Andres Bautista.

Ginawa ni Alvarez ang pahayag matapos masusing pag-aralan ang reklamong inihain ni Atty. Larry Gadon laban kay Sereno.

Ipinaliwanag ng Speaker na nagsumite si Gadon ng solidong mga ebidensya kabilang ang authenticated records na galing mismo sa Korte Suprema bukod pa sa kahandaan ng ilang mahistrado ng kataasang-taasang humukan na tumestigo.

“Kasi, bakit hindi mabigat? Kumpleto ‘yung dokumento at sakaang daming gustong magtestigo,” ayon kay Alvarez.

“Authentic talaga, anong magagawa natin,” diin ng Speaker.

Una rito, tinanggihan ni Alavrez ang kahilingan ni Sereno sa House committee on justice na payagan ang kanyang mga testigo na ma-cross-examine ang mga testigo sa katuwiran wala ito sa Rules of Procedure ng Impeachment Proceedings ng Kamara.

Para sa Speaker, si Sereno dapat ang magsagawa ng cross examination sa resource persons na ihaharap laban sa kanya.

Pero nauna nang iginiit ni Atty. Josa Deinla, tagapagsalita ni Sereno na karapatan ng punong mahistrado na katawanin ng kanyang mga abogado sa pagdinig ng House justice committee bilang parte ng due process.

Itutuloy ng komite ni Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali ang pagdinig sa Sereno impeachment sa pagpapatuloy ng sesyon ng Kongreso sa November 20, 2017. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?