39

Sep 21, 2017 @ 17:44

Impeachment case vs. Comelec chairman ‘insufficient in form’

Tulad ng inaasahan, idineklara ng House committee on justice na insufficient in form ang Impeachment case na isinampa nina Atty. Ferdinand Topacio at dating Negros Oriental Rep. Jacinto “Jing” Paras laban kay Commission on Election (Comelec) Chairman Andres Bautista.

“There being two (2) members voting in favor (na sufficient in form) and 26 (members) against, the motion is defeated,” deklara ni House Committee on justice chairman Reynaldo Umali.

Ang botohan ay kaugnay ng mosyon ni House deputy speaker Gwendalyn Garcia na nagdedeklara na sufficient in form ang ihinaing impeachment complaint nina Paras at Topacio laban kay Bautista kung saan kasama niya sina Kabayan party-list Rep. Harry Roque at Batangas Rep. Abraham Tolentino sa mga endorser.

Tanging sina Garcia at Roque ang bumoto na pabor na sufficient in form ang reklamo nina Paras at Topacio dahil hindi miyembro ng komite si Tolentino kaya wala itong karapatang bumoto.

Nagkamali ang mga complainant sa inihaing impeachment complaint noong Agosto 23, 2017 dahil ang verification form na ginamit ay para sa endorsement ng 1/3 ng mga miyembro ng Kamara gayung 3 lamang ang nag-endorso dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?