14
jose-calida
By

Impeachment case vs 7 justices, walang kahihinatnan – Calida

Tiwala si Solicitor General Jose Calida na walang kahihinatnan ang impeachment complaint na inihain sa Kamara de Representantes laban sa pitong mahistrado ng Korte Suprema na bumoto pabor sa quo warranto petition laban sa napatalsik na si dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno.

Ayon kay Calida, ginampanan lamang ng mga mahistrado ng Korte Suprema ang kanilang mandato na maging “final arbiter” sa mga isyung may kinalaman sa pagtalima sa Konstitusyon.

“The Supreme Court, through its justices, has solemn duty of being final arbiter of constitutional issues and the interpreter of the words of the Constitution,” saad ni Calida.

Para kay Calida, sintunado ang interpretasyon ng mga kongresista sa pakahulugan at layunin ng impeachment.

Aniya, lumalabas kasi na sa kanilang pang-unawa, lahat ng mga mahistrado na taliwas sa kanilang posisyon ay lantad na sa impeachment.

“This reduces impeachment to ‘a mere vengeance mechanism’,” dagdag ni Calida.

Si Calida ang nagsulong ng quo warranto petition laban kay Sereno na nag-ugat naman sa kabiguan ng dating punong mahistrado na regular na maghain ng Statement of Assets, Liabilities ang Networth noong siya pa ang nagtuturo sa University of the Philippines College of Law.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?