31

Oct 24, 2017 @ 14:23

Impeachment case ni Bautista, inurong na

Idineklara ng House committee on justice na “moot and academic” ang proseso ng impeachment laban kay resigned Commission on Elections (Comelec) Chairman Andres Bautista.

Ito’y matapos tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbibitiw ni Bautista “effective immediately”.
Uumpisahan na dapat ng komite ang pagbuo ng articles of impeachment laban kay Bautista pero hindi na ito itinuloy kasunod ng desisyon ng Malacañang.

Ayon kay Justice Committee chairman Rep. Reynaldo Umali, maidedeklara lamang na terminated ang Bautista impeachment kapag nakapagsumite na sila ng report sa plenaryo.

Bagama’t “anti-climactic” umano para sa komite, pinasalamatan ni Umali ang ehekutibo sa naging hakbang nito dahil magandang balita aniya ito para sa dalawang kapulungan ng Kongreso.

“It has ended well for the House and also for the Senate because this will really relieve of us of the many things to do,” sabi ni Umali.

Matatandaang noong Oktubre 11, inimpeach ng mga kongresista si Bautista sa botong 137-75 at 2 abstentions, ilang oras matapos nitong ianunsiyo ang kanyang resignation na magiging epektibo sa katapusan ng taon. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?