206

Jul 27, 2021 @ 12:05
By

Imortal! Mula unang sabak, Enrile buhay hanggang sa unang Olympic gold

Hindi nakaligtas ang pagkapanalo ni Hidilyn Diaz ng gold sa Olympics mula sa matatabang utak ng mga netizen, kung saan isa sa kanilang napagkatuwaan ay ang pagiging alamat umano ni dating Senador Juan Ponce Enrile.

Ayon sa isang nakakaaliw na post, inabutan pa umano ni Enrile ang unang pagsabak ng Pilipinas sa Olympics maging ang unang pagkapanalo ng bansa ng ginto nitong Martes.

Si Enrile ay ipinanganak noong 1924, na siyang taon na ginanap ang Olympics sa Paris, France. Dito rin unang sumabak ang bansa.

Ngunit ‘di naging mabunga ang pagsabak ng Pinoy athletes sa Olympics. Bago nagwagi ng ginto si Diaz, tatlong pilak at pitong bronze medal pa lamang ang naiuuwi ng bansa mula sa palaro.

Matapos ang 97 na taon, nagwagi na sa wakas ng ginto ang Pilipinas. At matapos ang 97 na taon, buhay pa rin si Enrile.

Kaya naman para sa mga netizen, Enrile lang ang malakas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?