66

Jan 3, 2018 @ 17:29
By

Immunity, target sa compromise sa Marcos wealth – Lagman

Nagbabala si Albay Rep. Edcel Lagman sa tunay na pakay ng inilalatag na kasunduan para sa pagbabalik sa gobyerno ng parte ng nakaw na yaman ng pamilya Marcos.

Ayon kay Lagman, kagaya lamang ito nang minadaling paglibing sa labi ni dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani kahit hindi pa nareresolba ng Korte Suprema ang isyu.

Paliwanag ni Lagman, hindi naman kailangan ng bagong batas mula sa Kongreso para gumawa ng kasunduan sa mga Marcos.

May kapangyarihan anya si Pangulong Rodrigo Duterte na habulin at bawiin ang Marcos ill-gotten wealth sa pamamagitan ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).

Kaya hinala ng kongresista, criminal immunity para sa Marcoses ang target sa mga panukalang compromise settlement.

Pero binigyang diin ni Lagman na wala dapat kondisyon ang negosasyon sa pagbabalik ng mga nakaw na yaman ng pamilya Marcos.

β€œAny law giving criminal immunity to the Marcoses will be against well-entrenched Philippine jurisprudence that criminal culpability is not subject to compromise,” giit ng mambabatas.(Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?