26

Oct 13, 2021 @ 15:14
By

IMF: PH mabagal ang usad ng ekonomiya

Magiging mas mabagal ang usad ng ekonomiya ng Pilipinas ngayong taon kaysa sa unang inakala ng International Monetary Fund (IMF).

Ibinaba ng IMF ang forecast nito sa paglago ng ekonomiya ng Pilipinas sa 3.2% ngayong taon. Mas mababa ito kaysa sa sa forecast na 5.4% noong Hulyo at higit na mas mababa kumpara sa pagtaya ng IMF na 6.9% noong Abril.

Ang forecast ng IMF ay halos kalahati lamang ng tinatarget ng administrasyong Duterte na 6-7% paglago ng ekonomiya ngayong taon.

Sa World Economic Outlook ng IMF ngayong Oktubre, sinabi nitong umaahon na ang ekonomiya ng mundo ngunit bumagal ito nang lumabas ang Delta variant at dumami ang nahawa.

Nagulo ang mga ekonomiya dahil sa mga outbreak sa iba’t ibang panig ng mundo at nagkaroon ng tinatawag na supply chain disruptions kung saan ang mga raw material na kinakailangan sa isang bansa ay hindi nakakarating dahil nagka-outbreak sa pagkukuhanan nito.

Sabi ng IMF, mas dumami ang banta sa mga ekonomiya at kasama na rito ang pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa iba’t ibang bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?