46

By

Imelda Papin umamin sa ‘nakaraan’ kay Rico Puno

Sharing is caring!

Feeling guilty ang Juke Box Queen at Asia’s Sentimental Songstress na si Imelda Papin sa pagkamatay ni Rico J. Puno.

Hindi nagawang irekomenda ni Imelda kay Rico ang iniinom niyang supplement na Imuregen. Huling nakita ni Imelda si Rico sa show nito sa Solaire Theater at nawala sa isip niyang kausapin ito tungkol sa food supplement na iniinom niya.

Napansin ng CEO ng FHP na si Susan Barlin, na bagsak ang itsura ni Rico kaya ito mismo ang nagsabi kay Imelda na bigyan ng iniinom niya baka sakaling makatulong ito. Proven at tested ni Imelda ang bisa ng Imuregen, maging sa kanyang nag-iisang anak na si Maffy na nagkaroon ng non-stop bleeding sa gums.

Kuwento ni Imelda, nakaligtaan niyang kausapin tungkol dito si Rico. At baka raw humaba pa ang buhay ni Rico kung naipainom niya ito immunity regeneration drink.

Isa si Imelda sa naapektuhan sa biglaang pagkamatay ni Rico dahil ito raw ang unang nakatambal nya sa mga concerts at shows noon. Inamin ni Imelda na nagparamdam at nanligaw sa kanya si Rico. Hindi rin ito itinangging nagkaroon sila nito ng mutual understanding sa entablado, pero hindi ito umabot sa totoong romantic relationship.

Sa lahat ng mga kasabayan nila, proud na sinasabi ni Imelda na siya lang ang hindi dyinu-joke ni Rico sa entablado. Malaki raw kasi ang respeto nito sa kanya dahil naging magka-tandem sila sa stage.

Kinansela ni Imelda ang paglipad niya pabalik ng CamSur para lang dumalo sa tribute concert ni Rico at sa wake nito. Syanga pala, tatakbo muli bilang Vice Governor si Imelda sa CamSur.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?