51

Oct 8, 2021 @ 20:26
By

Imelda Papin puntirya maging CamSur gob

Naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) ang OPM veteran singer na si Imelda Papin.

Nais niyang maging gobernadora ng Camarines Sur.

Siya ang incumbent vice governor ng lalawigan sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.

Noong 2016, tumakbo siya bilang 4th district representative ng Camarines Sur ngunit tinalo ni Arnulfo Fuentebella.

Pinalad siyang maging Camarines Sur vice governor noong 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?