700

By

Imelda nakaka-party pa, puwede pang makulong – VP Leni

Sharing is caring!

Nagsalita si Vice President Leni Robredo sa naging hatol ng Sandiganbayan Fifth Division kontra kay dating First Lady Imelda Marcos.

Sa kanyang naging radio program sa RMN, sinabi ng Bise Presidente na ang nakaambang pagkastigo kay Marcos ay patunay ng mga krimen na nangyari noong panahon ng kanyang namayapang asawa na si Ferdinand Marcos.

“Patunay lang naman ito na, unang una, marami talagang krimen na naganap noong panahon ng rehimeng Marcos,” pakli ni Robredo.

Hustisya rin umano ang nakamit ng mga naging biktima ng Martial Law.

“…parating sinasabi wala naman daw conviction. Ito, ang pakiramdam natin, hustisya ito para sa mga naging biktima ng Martial Law,” dagdag pa niya.

Nagpatama rin si Robredo sa mga nagsasabing hindi na umano makukulong si Marcos dahil hindi naman ito nakasaad sa batas.

“Mali iyong sinasabi nila na dahil lampas na ng 70 years old, hindi na makukulong kasi ito lang naman ay isa sa mga mitigating circumstances under sa Revised Penal Code na bababaan iyong hatol dahil sa edad,” ayon sa Bise Presidente

“Nakakapunta pa nga sa Congress, nakaka-kandidato pa bilang gobernador, hindi siguro dahilan para hindi dapat ikulong… Kung kaya pang mag-party, kaya pang lumagi sa kulungan,” aniya pa.

Matatandaan na kitang dumalo sa birthday celebration ni Imee Marcos si Imelda, kung saan naroon din sina Davao City Mayor Sara Duterte, House Speaker Gloria Macapagal Arroyo at Bongbong Marcos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?