2,257

By

Imelda matanda na, suspended sentence na dapat – Villar

Sharing is caring!

Dinepensahan ni Senadora Cynthia Villar ang nahatulang guilty sa pitong counts ng graft na si Imelda Marcos na hindi na dapat ito makulong dahil malapit nang mag-90-anyos.

Sa kanyang panayam, sinabi nito na dapat ay suspended sentence na ang igawad sa Ilocos Norte governor dahil sa edad nito

“’Di ba ‘yung ganyang mga hatol, andami namang hinahatulan, ina-appeal ‘yan? We have to see,” ani Villar.

“Saka sa age niya, 85? More than, almost 90, ‘di ba sa ibang bansa suspended sentence na ‘yung mga ganyan?” dagdag pa niya.

Ang pagkakaroon ng suspended sentence ay nangangahulugang ipagpapaliban ang sentesya sa isang nagkasala, at isasalang sa probationary period.

Sakaling matapos ang ito at walang nagawang labag sa batas ang indibiduwal, malaki ang tsansang i-dismiss na ng hukom ang kaso.

Matatandaan na posibleng makulong ng anim na taon at isang buwan hanggang 11 taon sa bawat count ng graft si Marcos dahil sa hatol ng Sandiganbayan 5th division.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?