Top 1 trending sa Twitter ang dating First Lady na si Imelda Marcos matapos mabanggit ang kanyang pangalan sa isang sikat na Netflix series na ‘The Crown’.
Ngunit sinama ang pangalan ni Marcos hindi para purihin, kundi tila kinantyawan pa ang accent ng ex-first lady na nasentensyahang guilty sa graft ngunit hindi pa nakukulong.
Sa ikatlog episode sa Season 4, kinuwento ni Princess Margaret, kapatid ni Queen Elizabeth II, kung paano niya nakilala si Imelda noong magtungo siya sa Maynila.
“She makes a beeline straight for me, saying she’s desperate to show me her… wait for it… shell collection,” biro ni Princess Margaret, na ginampanan ni Helena Bonham Carter.
Si Imelda ay sikat sa pagiging shoe collector, ngunit sa serye ay shell ang ginamit na patama sa pananalita ng Ingles nito.
Sa social media, libong mga netizen ang nasiyahan sa patama ng ‘The Crown’ kay Imelda.
Imelda Marcos being made fun of by the royal family in The Crown??? MUST❗️WATCH❗️EPISODE ❗️ https://t.co/JCs0wluQsm
— yen (@adorapol) November 15, 2020
Thank you for making fun of Imelda Marcos, Princess Margaret. pic.twitter.com/nmVBu6ZkT0
— tequila mocking beer (@aunt_tagonist) November 15, 2020
imelda marcos is trending bc she was made fun of in the crown ha ha deserve (to go to jail)
— shane (@velmakvlly) November 15, 2020
Christ, this is hilarious but also I want you all to know that Imelda Marcos could probably have fed everyone in Manila for half a decade with the government taxes she used to buy her goddamned shoe collection https://t.co/0slN7F2GcT
— bianca (@contraststudies) November 15, 2020
Not the royal family, mainly Princess Margaret, making fun of Imelda Marcos’ fake English accent. ??#TheCrownS4 pic.twitter.com/pWzKTaGLF1
— Dab (@dl02__) November 15, 2020