105

Imelda Marcos pinaaaresto sa pitong kaso ng graft

Sharing is caring!

Naglabas ng order ang Sandiganbayan para arestuhin si Ilocos Norte Representative Imelda Marcos matapos mahatulang guilty sa 7 counts of graft.

Hinain ang mga kaso noong 1991 na nag-ugat mula sa mga private organization na umano’y nilikha ni Imelda habang nasa posisyon pa sa pamahalaan.

Sinentensiyahan ang 89-taong gulang na Marcos ng anim na taon hanggang 11 taon at isang buwang pagkakakulong.

Pinawalang-sala naman ng fifth division ng anti-graft court ang dating first lady mula sa 3 kaso ng graft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?