64

By

Imelda Marcos no show sa Kamara

Sharing is caring!

Hindi nagpakita ngayon sa Kamara si Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos dalawang araw matapos hatulang guilty ng Sandiganbayan sa mga kasong katiwalian.

Ayon sa staff sa opisina ni Marcos, wala ang kongresista dahil abala ito sa ibang aktibidad sa labas ng Batasan bagama’t hindi na naidetalye.

No show rin sa plenaryo ang dating unang ginang kahit ngayong araw ang resumption ng sesyon ng Kongreso matapos ang kanilang Undas break.

Tahimik naman si Speaker Gloria Macapagal-Arroyo sa isyu ng hatol ng anti-graft court kay Mrs. Marcos.

Hindi pa malinaw kung ano ang magiging hakbang ng Kamara sa sandaling maglabas ng warrant of arrest ang korte laban sa mambabatas kasunod ng conviction nito.

Pero kung si House minority leader Danilo Suarez ang tatanungin, mas mabuti anyang mag-move on na lamang ang lahat sa halip na palakihin pa ang isyu kay Marcos.

“We have to move on, ‘wag nang palakihin pa ang issue’” sabi ni Suarez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?