258

By

Imelda Marcos naki-party pa kay Sara, Arroyo matapos hatulan

Sharing is caring!

Tuloy pa rin ang birthday celebration para sa anak ni Ilocos Norte Representative Imelda Marcos na si Imee, gabi matapos hatulan ng guilty verdict sa kasong graft ang kongresista.

Sa Facebook post ni Mike Acebedo Lopez, dumalo pa si Imelda sa nasabing party, na tila walang pinagdadaanan matapos sentensyahan ng anim na taon at isang buwan hanggang 11 taon sa bawat pitong counts ng graft.

Nasa selebrasyon din sina Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio, House Speaker Gloria Arroyo, at kapatid ni Imee na si Bongbong Marcos.

“At any rate, as they say, “the show must go on!” All I could do is give Auntie Meldy a big, tight hug as she seeks to appeal the decision before our courts,” saad sa caption ni Lopez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?