110

By

Imelda Marcos nagpiyansa na

Nakapaglagak na ng P300,000 piyansa sa Sandiganbayan ang kampo ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos para sa hirit na post-conviction remedy matapos hatulang guilty sa pitong kaso ng katiwalian.

Itoý matapos pagbigyan ng anti-graft court Fifth Division ang mosyon ni Marcos na makapagpiyansa at mai-apela ang kanyang conviction.

Matatandaang na-forfeit ang naunang P150,000 na piyansa nito dahil sa hindi pagdalo sa kanyang promulgation noong November 9.

Una nang naglagak ng panibagong P150,000 bond ang kampo ng dating unang ginang noong November 16 para sa kanyang pansamantalang kalayaan habang hinihintay ang desisyon ng korte kung papayagan ang hiling nitong post-conviction remedies.

Si Marcos ay hinatulang guilty sa pitong bilang ng kasong graft dahil sa umano’y pagbuo ng Swiss foundations noong siya ay gobernador pa ng Metro Manila.

Hindi na umapela ang kongresista sa Sandiganbayan at sa halip ay nag-abisong ia-akyat na ang kaso sa Korte Suprema.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?