106

By

Imelda Marcos hindi pa maaaresto!

Sharing is caring!

Nagpaliwanag ang Philippine National Police (PNP) sa hindi pa pag-aresto sa dating unang ginang na si Imelda Marcos sa kabila ng utos ng Sandiganbayan.

Ayon kay Police Chief Supt. Benigno Durana Jr., tagapagsalita ng PNP, wala pa silang natatanggap na warrant of arrest mula sa anti-graft court.

Pagdidiin ni Durana, hindi nila maaaring arestuhin ang isang tao dahil marami ang humihiling.

Dagdag pa ng opisyal, bagama’t nahatulan na si Marcos ay maaari naman itong magpiyansa para sa kanyang kalayaan.

Sinabi pa ni Durana, hindi pa final and executory ang hatol kay Marcos at kahapon ay ay naghain pa ng motion for reconsideration ang kanyang mga abogado para bawiin o mabaligtad ang sentensiya.

Nagpaliwanag ang PNP sa hindi pag-aresto kay Marcos dahil sa pagbatikos sa kanila sa social media at ang partikular na alegasyon ay ang pagiging ‘double standard’ ng pambansang pulisya sa naging sitwasyon ni Sen. Antonio Trillanes IV.

Paliwanag pa ni Durana, maaaring nagkamali din ang pagkakaintindi ng media sa sinabi ni PNP Chief Oscar Albayalde na ikukonsidera ng mga pulis ang edad at kalusugan ni Marcos sakaling arestuhin ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?