240

By

Imelda Marcos atras na sa pagtakbong gobernadora

Hindi na itutuloy ni Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos ang pagtakbo nitong gobernadora sa balwarte ng kanyang pamilya.

Ito’y makalipas ang mahigit dalawang linggo matapos mapatunayang guilty ito sa 7 counts ng graft kaugnay ng paglilipat ng mga pondo sa Swiss foundations noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Papalit kay Marcos ang apo na si Board Member Matthew Marcos Manotoc.

Si Manotoc ay anak ni Ilocos Norte Gov. Imee Marcos, na kakandidato namang senadora sa darating na eleksiyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?