53

By

Imelda Marcos arestuhin! – Zarate

Sharing is caring!

Iginiit ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Isagani Zarate na agad arestuhin dating unang ginang at Ilocos Norte Rep. Imelda Marcos.

Ito’y matapos mahatulang guilty sa pitong bilang ng kasong graft kaugnay ng paglikha nito ng mga private organization sa Switzerland para mapangalagaan ang kanilang Swiss account habang humahawak ng posisyon sa gobyerno mula 1978 hanggang 1984.

Sabi ni Zarate, ang desisyon ng korte ay tagumpay lalo na para sa mga biktima ng kalupitan ng mga Marcos.

Patunay rin anya ito na totoong nagnakaw sa kaban ng bayan ang pamilya Marcos taliwas sa ginagawang pagtanggi ng mga ito.

“Many would be happy with this decision but it would be better if the Marcoses also return all their ill-gotten wealth to the Filipino people,” giit ni Zarate.

Hirit ng mambabatas sa PNP, huwag nang patagalin ang pag-aresto kay Mrs. Marcos dahil matagal na panahon na umanong naghihintay ang kulungan sa dating unang ginang.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?