1,049

By

Imelda ‘di poposasan dahil babae, matanda na – Albayalde

Sharing is caring!

Iiwas ang Philippine National Police na posasan ang dating first lady na si Imelda Marcos sakaling hainan na ito ng arrest warrant ng Sandiganbayan.

Ayon sa panayam kay PNP Director General Oscar Albayalde sa dzMM, kinukunsidera nila ang edad at kasarian ng akusado, pati na rin kung may kasaysayan na ito ng karahasan.

“Most of the time kung meron man po kahit sino po lalo, na kung medyo may edad na, mga babae, hindi na po natin naman na kailangan pinoposasan lalo na kung wala namang history of violence,” pakli ni Albayalde.

Ang katandaan din at kasarian ni Marcos ang ipinunto ng PNP chief kung bakit hindi nagpadala agad ng arresting officer nang ihatol ang guilty verdict ng Sandiganbayan 5th Division sa pitong counts ng graft.

At kung sakaling ipatuloy na ang pag-aresto kay Marcos, nakahanda na ang piitan ng Ilocos Norte Representative sa Camp Crame Custodial Facility.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?