667

Nov 30, 2021 @ 18:08
By

Imee: Paghihiganti hindi style ng mga Marcos

Ayon kay Senadora Imee Marcos, hindi itinuro sa kanila ng pumanaw na amang si Ferdinand Marcos Sr., na gumanti sa mga taong nagkasala o pumuna sa kanila.

Aniya, anuman ang ibatong galit sa kanila ng mga tao, hindi maghihiganti ang kanilang pamilya o magtatanim ng poot.

“Ang sinasabi ko lang sa lahat ng kandidato, hindi turo ng aking ama, si apo lakay, ang pagiging galit o paghihiganti. Do not get angry, least of all do not get even. Revenge is God’s, it’s not ours,” saad ng senadora sa press conference.

“Para sa amin kung may magwi-withdraw or nagdadalawang-isip, huwag kayong mag-alala. Wala kami kinagagalit, kinatatampo, hinanakit. Wala kaming ganun. That’s not really Marcos’ style. We just don’t do that,” patuloy niya.

“Makikita naman ninyo sa dinami ng batikos sa amin, sa dami ng pagtutunggali, hindi kami nagreresbak. Hindi kami bumabalik kasi ang turo pa nga ng nanay ko — kill them with kindness. Labis-labis ‘yun. Walang kaaway sa mundo, mabait talaga ‘yun at saka ibibigay lahat,” dugtong pa niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?