591

Feb 10, 2019 @ 10:36
By

Imee Marcos: Term limit sa mga mambabatas, hindi nakatutulong

Pabor si Ilocos Norte Governor at senatorial candidate Imee Marcos na tanggalin ang term limits sa mga mambabatas dahil di naman umano ito nakatutulong upang maiwasan ang political dynasty.

Sa naganap na election debate na isinagawa ng GMA network nag tapatan sina Imee Marcos at Chel Diokno at pinag-usapan ang isyu ng pagtatanggal ng term limits sa mga mambabatas.

“Naku, tanggalin na mga term limit at hindi naman nakakatulong. Naipakita ng isang pag-aaral ang pangalan ay political reform and elite persistence na imbes na mabawasan yung dinastiya ay talagang naging prangkisa pa yung apelyido,” saad ni Imee Marcos.

“Yung 67% na talagang pare-pareho ang apelyido naging 91% na sa panahon ngayon,” dagdag pa nito.

Saad pa ni Marcos, makatutulong ang pagtatanggal ng term limits kapag sinuwerte ang taumbayan na makapaghalal ng matinong kandidato dahil magtutuluy-tuloy ang pagsupil sa kahirapan.

“Ikalawa kapag nag jackpot tayo at may matinong kandidato, yung panahon ng pagsusupil halimbawa ng kahirapan ay hindi pabago-bago kundi tunay na pagbabago na nangangailangan ng deka-dekada ng trabaho,” saad ni Marcos.

Kumakandidato sa pagka-senador si Marcos sa ilalim ng administrasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?