77

Mar 20, 2021 @ 16:23
By

Imee Marcos: DOH haharangin vaccine importation ng mga bigating kompanya

Nagngitngit si Senadora Imee Marcos sa nabalitaang may nilulutong administrative order ang Department of Health na magbabawal sa ilang kompanya na bumili ng kanilang sariling bakuna.

Saad ni Marcos, isang miyembro ng gabinete ang nagmalasakit na ibahagi ang naturang impormasyon ukol sa AO ng DOH.

Sa panayam kay Marcos ng DWIZ, nilarawan nitong ‘downright evil’ ang naturang balak ng DOH sakaling totoo man ito.

“Ang balita pa, itong DOH may administrative order, draft pa lang… may nagpuslit sa akin na ito nga, pinagbabawalan mag-import ang iba’t ibang kompanya [ng bakuna],” saad ni Marcos.

Aniya, kasama sa mga pinagbabawalan ng DOH ay ang mga kompanya na ‘unhealthy’ ang produkto tulad ng tabacco, asukal, milk product, alcohol at softdrinks.

“Yung private sector natin, yung mga company, gusto nilang protektahan ang kanilang mga empleyado, singkwenta porsyento ido-donate nila sa mga health worker, public sector… pero pinagbabawalan yung buong industriya na sinasabing unhealthy yung produkto,” lahad pa ng Senadora.

“Ibig sabihin, San Miguel, Gokongwei, Oishi, Lucio Tan group, lahat yan bawal na magpasok ng anumang vaccine.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,