52

May 20, 2020 @ 18:27

Imee binutata ni Dominguez sa ‘Masagana 99’

Kinontra ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang pahayag ni Senadora Imee Marcos tungkol sa tagumpay ng Masagang Ani 99 – isang programa ng kanyang amang si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

Sa Senate Committee of the Whole hearing, iminungkahi ni Marcos kay Dominguez na buhayin muli ang “Masagana 99” para masiguro na aabot sa buong bansa ang tulong na binibigay ng gobyerno.

“During Masagana 99 in the 70s, there was a very effective use of commercial banks, rural banks, and even cooperative banks and I believe that scheme would truly work,” sabi ni Marcos.

“However, perhaps we could consider enlarging the national government’s stake even in that regard,” dagdag nito.

Ang “Masagana 99” ay sinimulan para magkaroon ng rice-self sufficiency ang bansa sa pamamagitan ng “Miracle Rice” na inilunsad ng International Rice Research Institute.

Pinutol ang programa dahil sa isyu ng credit subsidy.

Pero giit ni Dominguez, nagsulta ang “Masagana 99” sa pagbagsak ng 800 rural bank sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas.

Ayon kay Dominguez, naging dating Agirculture Secretary ni dating Pangulong Corazon Aquino, siya pa umano ang naglinis noon sa problemang iniwan ng nasabing programa.

“There were about 800 rural banks that were bankrupted by that program and we had to rescue them, so whether it was a total success or not, has to be measured against that,” paliwanag ni Dominguez.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?