73

Jul 19, 2021 @ 19:01

Imbyerna mga fan: Marian huwag isabong kay Bea

Pakiusap ng mga fan, itigil na ang pagsasabong kina Marian Rivera at Bea Alonzo.

Itigil na ang pagsasabing masasapawan ni Bea si Marian ngayong Kapuso na ito.

Itigil na rin ang pagsasabing si Bea na ang magiging Kapuso Queen, dahil hindi nga raw mangyayari `yon habang nandiyan si Marian.

Samu’t sari nga ang reaksiyon ng mga fan sa post ni Tita Lolit Solis tungkol sa isyu, o ginagawang isyu kina Marian at Bea.

Para kay Tita Lolit, katawa-tawa ang isyu na maagaw ni Bea ang pagka-reyna ni Marian sa GMA.

“Eversince, na naging top star ng GMA7 si Marian, siya na bale ang face of the station. Sa GMA7 siya nagsimula, nakapag-asawa, nagkaanak, paano mo siya aagawan ng korona?

“Si Marian Rivera Dantes as of now ay semi-retired dahil sa gusto niya na priority muna ang alagaan ang mga anak na sila Zia at Ziggy. Pagiging reyna ng Dantes household ang una para sa kanya, pangalawa lang ang korona ng career niya.

“So bakit siya mai-insecure sa pagpasok ni Bea? Who cares kung lumipat sa GMA7 si Bea? Ano pakialam ni Marian ? Alam ni Marian kung ano ang kingdom na mas gusto niya ipaglaban, kung ano ang mas mahalaga sa kanya.

“Ok, sabihin mo na, naagaw ni Bea ang korona sa GMA7, may dalawa ba siyang cute na anak tulad ni Marian, may King ba siya na tulad ni Dingdong Dantes?

“So in the end, sino pa rin ang panalo? Sino ang tunay na reyna? Dahil priority niya ngayon ang pamilya, sige pag-agawan na niyo ang korona, tutal may nanalo na.

“Hayun o, dalawa ang hawak na korona, sila Zia at Ziggy!” sabi ni Tita Lolit.

Hindi ito nagustuhan ng mga fan ng dalawa.

iam_johnmer, “Manay I’m always reading your IG post and opinions but this time I will not agree with this. Yes Marian is still a queen of GMA7 admit it but the way you comparing Bea to Marian? Like may dalawa ba siyang cute na baby? May king ba siya gaya ni Dingdong? Hindi ba parang kaipokritahan na ‘yan?”

mrs.dagumgirl, “Nu ba yan parang pinag-aaway pa sina Marian at Bea. Imbes na walang issue sa kanilang dalawa. Ginagawan mo pa?!”

edithpao2020, “Iniintriga mo sina Marian at Bea pag nag-away ang mga fans nila iba na naman sasabihin mo. Peace lang Manay para walang gulo. Magulo na nga ang mundo!”

ateayako07, “OK na Sana Nay Lolit yung umpisa eh, pero sa dulo pinagkumpara mo na buhay nila. Sa buhay walang kompetisyon dahil kanya-kanya tayo ng guhit ng kapalaran. At kung feeling reyna si Bea, sa kabila palang may isyu na sya, pero wala naging bitter lang ang iba sa pag-transfer niya.”

Well, sangkatutak na komento pa ang mababasa mo sa IG ni Tita Lolit tungkol kina Marian at Bea. Kaloka! (Dondon Sermino)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?