283

Mar 2, 2020 @ 11:44

Imbitasyon sa Richard-Sarah wedding parang balota

“Imbitasyon o balota?,” – ang tanong ng mga netizen nang makita ang wedding invitation nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati.

Pa’no, tatlong pangulo lang naman ng Pilipinas ang kabilang sa 25 pares ng kanilang principal sponsors: sina Presidente Rodrigo Duterte, dating Presidente Gloria Macapagal-Arroyo, at dating Presidente Erap Estrada.

Sponsor din sina Senate President Tito Sotto, Senador Cynthia Villar, Senador Manny Pacquiao, at Senador Bato dela Rosa.

Pinadadalo rin sa kasal ang mga mambabatas na sina Martin Romualdez, Yedda Marie Romualdez, Bong Suntay, Lucy Gomez.

Nasa listahan din ang mga alkaldeng sina Richard Gomez, Arlene Arcillas, at Chavit Singson.

Bukod sa mga politiko, principal sponsor din sina ABS-CBN President Carlo Katigbak at GMA CEO Felipe Gozon.

Samantala, natuwa naman ang ilang netizen nang malamang kasama sa mga secondary sponsor sa wedding si Angel Locsin, dating ka-loveteam ni Richard.

Gaganapin ang engrandeng kasal sa Sabado ng hapon, Marso 14, sa isang five-star hotel sa Taguig City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?