34

By

Imbitasyon ni Trump dapat tanggapin ni Duterte – Lacson

Dapat lang umanong tanggapin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang imbitasyon sa kanya ni President Donald Trump na dumalo sa summit sa pagitan ng US at ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).

Ayon kay Senador Panfilo Lacson, pagkakataon aniya ito para linawin ni Dutete ang ilang isyu na ibinabato sa kanya lalo na sa usapin ng human rights at ng kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

“Being an active and prominent member of the ASEAN, the Philippines must maintain its status in the international community,” pahayag ni Lacson sa kanyang text message kahapon sa mga reporter.

“PRRD’s presence in the US summit can also serve an opportunity to clarify whatever issues are being raised especially on human rights and the administration’s anti-illegal drugs campaign…

…as well as the country’s judicial system and due process brought about by the resolution filed by some US senators in relation to the Magnitsky Act,” dagdag pa nito.

Dahil opisyal na imbitasyon ito ni Trump, dapat pagkalooban si Duterte ng kinakailangang diplomatic immunity at courtesy bilang isang head of state.

“Since he was officially invited by Pres. Trump, the President will be accorded the necessary diplomatic immunity and courtesy befitting a head of state, so there should be no apprehension on how he will be treated while in the US territory,” sabi pa ni Lacson.

Bukod kay Duterte, inimbitahan din ni Trump ang siyam na iba pang mga ASEAN leader.

Nauna nang sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na wala pang opisyal na impormasyon kung tinanggap na ni Duterte ang imbitasyon sa naturang summit na isasagawa sa Marso 14, 2020 sa Las Vegas. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?