5
caap
By

Imbestigasyon sa Xiamen Air, ilalabas na sa Nobyembre – CAAP

Sharing is caring!

Inaasahan ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) na ilalabas na sa susunod na buwan ang pinal na imbestigasyon sa naganap na Xiamen Air fiasco noong Agosto.

Ayon kay CAAP spokesperson Eric Apolonio, natanggap na nila ang ilang substantial information na kailangan para sa magaganap na imbestigasyon at kasalukuyang isasailalim muna sa beripikasyon upang makumpirma.

Paliwanag ni Apolonio, hindi maaaring basta lamang maniwala sa sabi-sabi, kailangan ay may sapat na ebidensya kung ano talaga ang nangyari sa runway at hindi basta na ituro ang Chinese airline ang may responsible sa aksidente.

.

“We can’t just point the finger at someone just based on what you saw in the runway,” paliwanag ni Apolonio.

Kakailangin umano ng anim na buwan na para sa imbestigasyon para mapagtibay ang kaso.

Nabatid na nagtungo ang CAAP investigators sa Xiamen Air’s office noong nakaraang buwan para makakuha ng service records ng dalawang airline at ang mga piloto na sangkot sa insidente.

Sinabi naman ng pamunuan ng CAAP na nakakakalap na sila ng ilang imbestigasyon, nasiyasat na rin ang lagay ng panahon nang maganap ang insidente at nakakuha na rin ng medical records ng mga piloto kung saan ay kapwa negatibo sila sa alcohol.

Dagdag pa ni Apolonio, kailangang makakuha pa ng ilang detalye mula sa mga pasahero ng eroplano bago ito dumating sa bansa mula sa Xiamen.

Matapos na makuha ni Apolonio ang final investigation report, kailangang makipag-coordinate pa ang CAAP sa kanilang Chinese counterpart na Civil Aviation Administration of China (CAAC), kaugnay sa naganap na paglabag ng Xiamen Air na kung saan ang CAAC ang magpapataw ng parusa sa Xiamen Air base sa isinasaad ng International Civil Aviation Organization (ICAO..

Matatandaang noong August 16 ay naganap ang pagsadsad ng Xiamen Air flight MF8667 sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa kasagsagan ng malakas na ulan na nagdulot ng pagsasara ng runway ng NAIA international runway at pagkaantala ng maraming international at local flights.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?