371

By

Imbestigasyon sa Tulfo siblings, suportado ni Lacson

Sharing is caring!

Sinuportahan ni Senador Panfilo Lacson ang pagkalampag ni Senador Antonio Trillanes IV sa Blue Ribbon Committee upang imbestigahan na ang advertising contract ng Department of Tourism (DOT) at ng Bitag Media Unlimited.

Pinasok ang kontrata na nagkakahalaga ng P60 milyon noong kalihim ng DOT si Wanda Tulfo Teo habang pag-aari ng kapatid na si Ben Tulfo ang Bitag Media na may programa sa PTV 4.

Mariing sinabi ni Lacson na sangkot dito ang salapi ng taumbayan kaya dapat itong halukayin.

“I fully support the resolution authored by Sen. Trillanes for the Senate Blue Ribbon Committee to immediately schedule a hearing to investigate the issue involving the DOT-PTV4-Bitag issue if ony to ferret out the truth behind the issues involved,” sabi ni Lacson.

Idiniin na mismong Commission on Audit (COA) ang nagsabi na dapat halukayin ang kontrata.

“After all, public monies are involved which COA has affirmed to be questionable in this instant case,” dagdag ni Lacson. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?