15
hard-hitter

Imbestigasyon sa road-right-of-way anomaly dapat ituloy

Sharing is caring!

By Manny Pacquiao

 

BAGO nag-adjourn ang session ng Senado noong nakaraang buwan ay sinimulan nating usisain ang anomalya sa road-right-of-way claims sa buong bansa na umaabot sa P8.7 billion.

Sa takbo ng imbestigasyon, mukhang maraming opisyal at kawani mula sa iba’t-ibang ahensya ng ating gobyerno ang nagsabwatan upang makapandugas ng napakalaking halaga mula sa kaban ng ating bayan.

Through this investigation, we are looking forward to expose a labyrinth of conspiracy involving corrupt officials in the Register of Deeds, Courts of Law, Department of Public Works & Highways, Department of Environment & Natural Resources, local Assessor’s Office, including some influential private individuals responsible in defrauding the government of billions of pesos.

Ang perang ninakaw ng mga taong ito ay magagamit sana para sa proyekto ng ating pamahalaan. Mga proyektong lubhang kailangan ng ating mga kababayan lalo na sa mga liblib na pook sa ating bansa.

Kumbaga itong ating nakikita sa ngayon ay “tip of the iceberg” pa lamang. Hindi pa natin nakikita ang kabuuang lawak ng anomalya may kinalaman sa road-right-of-way claims ng maraming fictitious individuals.

Kaya akoy nanawagan sa ating mga kababayan na merong alam sa multi-billion road-right-of-way scam na kung maari ay lumantad at tulungan ang Senado na buwagin ang sindikatong may kinalaman dito.

Kailangan nating magtulungan upang masawata ang corruption sa ating pamahalaan. Lubhang kailangan ang tulong at pakikiisa ng bawat isa upang magtagumpay tayong linisin ang hanay ng mga taong nagpapatakbo ng ating gobyerno.

Nakakapanlumong isipin na ang buwis na mula sa hirap, pagod at pawis ng ating mga kababayan ay napupunta lamang sa bulsa ng mga taong gahaman sa pera.

Kahina-hinala ang mga pangalan ng taong nagmamay-ari ng titulong ginamit para sa road-right-of-way claims lalo na sa area ng region 12. Karamihan sa mga pangalang nakasaad sa titulo ay nakatira sa Metro Manila area.

Wala akong kilala ni isa sa kanila gayong ang mga lupang inaangkin nila ay halos kalapit lang ng aking mga nabiling lupa sa General Santos City at Sarangani Province.

Subalit naniniwala akong sa bandang huli ay lalabas din ang totoo.

Ang inyong abang lingkod ay hindi titigil hanggat’t hindi natin nalalaman at nailalabas ang buong katotohanan.

I knew the risk involved in this kind of advocacy. I also knew that we are up against a behemoth whose tentacles spread out from the top all the way down the lowest echelon of our government.

But this is part of my job as senator. Your humble servant is not a stranger to such kind of lopsided fight. I’d been there so many times in my career as a prizefighter.

I’m confident that with the help and support of my fellow lawmakers, we will be able to ferret out the truth. Above all, I’m confident because I believe God is with me in this fight.

Ang tanging hiling ko sa aking mga kababayan ay patuloy po ninyong ipagdasal ang aking kaligtasan lalo na ang kapayapaan at progreso ng ating bansa.

Sanay patuloy po kayong maging mapagmatyag lalo na sa mga kalakaran sa ating pamahalaan. Your active participation and continued vigilance are badly needed to cleanse our graft-laden government bureaucracy.

Together, we can succeed in our fight against crime and corruption.

May God bless us always.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?