By

Imbestigasyon sa pagsasara ng Boracay, pinaaapura

Sharing is caring!

Kinalampag ni Bayan Muna Partylist Rep. Carlos Isagani Zarate ang liderato ng Kamara para ikalendaryo na ang imbestigasyon sa pagsasara ng Boracay.

Ito’y kasunod ng napabalitang pagpapatag ng bundok sa forestland area sa Barangay Yapak sa Boracay.

Lalong lumakas ang hinala ni Zarate na hindi environment conservation ang tunay na pakay sa pagsasara ng isla.

“There is really something ominous happening in Boracay that is why we filed House Resoution 1806 and House Resolution 1846 to dig deeper into the real reasons behind the island resort’s closure and the displacement of more than 36,000 workers,” sabi ni Zarate.

Inihain ng Makabayan bloc ang resolusyon sa gitna ng ulat na inaprubahan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation ang lisensya ng Macau-based Galaxy Entertainment Group, Ltd., at Philippines’ Leisure and Resorts World Corporation para sa itatayong casino sa isla.

“As it is now, daig pa ang martial law sa Boracay ngayon dahil kontrolado ang lahat ng galaw ng tao pati ang mga papasok at lalabas sa isla. Pero ano ba talaga ang ginagawa dito at bakit hinahawan ang kagubatan at pinapatag ang bundok?,” dagdag ng kongresista.

Sarado ng anim na buwan ang Boracay Island simula Abril 26.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?