grab-uber1
By

Imbestigasyon sa pagsasanib ng Uber, Grab tuloy

Sharing is caring!

Inanunsiyo ng Philippine Competition Commission (PCC) na magpapatuloy ang pagbusisi sa pagbili ng Grab sa Uber kahit nag-shutdown na ang app ng huli ngayong araw.

Sa inilabas na pahayag ng ahensiya, ang motu proprio review sa buyout deal ay hindi pa tutuldukan at inatasan din ang Grab at Uber na ipaliwanag bukas ang kabiguan nilang ituloy ang hiwalay nilang operasyon base sa naunang inilabas na Interim Measures Order.

Paliwanag ng PCC sa pagbili ng Grab sa Uber, makukuha nito ang 93 porsiyento ng ‘ride-hailing market’.

Kaya ang natitirang pitong porsiyento ng bilang ng mga tumatangkilik sa transport network vehicle service na lang ang maaaring makuha ng papasok na bagong transport network company.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?