162

Jul 2, 2018 @ 11:45
By

Imbestigasyon sa pagpatay sa Tanauan mayor, ipauubaya sa PNP

Hahayaan na muna ng Department of Justice (DOJ) sa Philippine National Police (PNP) ang imbestigasyon sa pagpatay kay Tanauan City Mayor Antonio Halili kaninang umaga.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, na ipauubaya na muna niya sa kapulisan ang pangangalap ng impormasyon hinggil dito.

Gayunman ay nangako naman si Guevarra na kapag nakita niya ang pangangailangan ng karagdagang puwersa sa imbestigasyon ay agad umano niyang aatasan ang National Bureau of Investigation para magsagawa ng parallel investigation.

“We’ll let the police do the investigation muna. I will direct the NBI to get involved as may be warranted by circumstances,” saad ni Guevarra.

Magugunitang si Mayor Halili ang nanguna noon sa shame campaign na ipinaparada niya sa plaza ang mga nahuhuli nilang snatcher, rapist, drug user, pusher at iba pang kriminal habang may karatula sa dibdib na may nakasulat na “huwag akong tularan, ako ay kriminal”.

Si Mayor Halili ay nagtamo ng isang tama ng bala sa dibdib mula sa umano’y sniper habang dumadalo siya sa flag raising ceremony kanina sa compound ng kapitolyo ng Tanauan, Batangas at idineklarang dead on arrival sa ospital. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?