58

Jul 8, 2019 @ 14:09
By

Imbestigasyon sa pagpatay sa Mindanao board member, pinamamadali ni Nograles

Kinondena ng Malacañang ang pagpatay sa board member ng San Jose, Dinagat na si Wenefredo Oloferres nitong weekend.

Sa ipinalabas na statement ni Secretary to the Cabinet Karlo Alexei Nograles, tinawag nitong “senseless” ang pagpatay kay Oloferres at hiniling sa Philippine National Police na bilisan ang imbestigasyon.

Sinabi ni Nograles na nakikipag-ugnayan na ang pulisya sa pamilya ng biktima gayundin sa local government ng San Jose para makakuha ng impormasyon na maaaring makatulong sa mabilis na pagresolba sa kaso.

Nag-alok na rin aniya ang PNP ng P100,000 na pabuya para sa sinumang makakapagbigay ng impormasyon tungo sa ikalulutas agad ng kaso.

“The PNP has offered a 100 thousand peso reward to speed up the investigation and to encourage the furnishing of useful leads. We’re closely coordinating with the families and the local government on how to address the aftermath of this shooting. We’ve been assured that this is an isolated occurence,” ani Nograles.

Ang kalihim ay ang Cabinet Officer for Regional Development and Security for Region13 o ang CARAGA Region.

Ang biktimang si Oloferres ay binaril ng hindi nakikilalang salaring nakamotorsiklo Linggo ng umaga habang sakay din ng motorsiklo kasama ang partner nito matapos ang kanilang jogging session.

Isinugod pa sa Caraga Regional Hospital ang opisyal subalit idineklara itong dead on arrival sa pagamutan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?