41

By

Imbestigasyon sa napaborang kontratista ni Diokno, itutuloy sa Enero

Itutuloy ng Kamara ang imbestigasyon sa sinasabing napaborang kontratista ni Budget Secretary Benjamin Diokno gayundin sa umano’y mga anomalya sa budget at kuwestiyonableng mga alokasyon ng Department of Budget and Management (DBM).

Ayon kay House Majority Leader Rolando Andaya Jr., ito’y bilang pagtalima rin sa mensahe ni Diokno na “work first before leisure.”

“The committee on rules will continue its investigation on CT Leoncio, the suspected favored contractor of Sec. Diokno. Invitations/subpoenas are being sent out,” ani Andaya.

Itinakda ang hearing sa Enero 3, 2019 sa Naga City.

Ipatatawag ng komite si Diokno gayundin ang regional directors ng Department of Public Works and Highways, dalawang district engineers ng Sorsogon City, district engineer ng Catanduanes, at mga opisyal ng DPWH bids and awards committee na humawak sa mga proyekto ng CT Leoncio.

Inakusahan nina Andaya at Minority Leader Danilo Suarez ang DBM secretary na may pakana ng “insertion” sa panukalang 2019 national budget.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?