217

Dec 27, 2017 @ 10:49

Imbestigasyon sa lalaking nahulog sa 3rd floor ng Cebu mall, inumpisahan na

Nagsasagawa na ng joint investigation ang lokal na pulisya sa insidente ng pagkahulog ng isang lalaki sa 3rd floor ng isang mall sa Cebu City.

Ayon sa ipinalabas na opisyal na pahayag ng SM City Cebu, nabigyan na ng medikal na atensiyon ang lalaki nilang kostumer ng Emergency Response Team at dinala na rin sa ospital.

Matatandaang naiulat na nahulog ang isang lalaki sa ikatlong palapag ng mall sa Cebu City nitong Disyembre 26 kung saan bineberipika pa ng otoridad kung tumalon ang lalaki o nahulog.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?