48

Dec 13, 2017 @ 15:33
By

Imbestigasyon sa Dengvaxia issue, muling binuksan ng Kamara

Iginiit ng Sanofi Pasteur, ang manufacturer ng Dengvaxia vaccine, na ligtas at epektibo ang kanilang produkto.

Sa joint hearing ng House committees on health at good government and public accountability, sinabi ni Thomas Triomphe ng Sanofi Pasteur, na pumasa sa clinical trial ang Dengvaxia at tumugon ito sa requirements ng Pilipinas.

Wala rin aniyang naitalang anumang death-related case sa bakuna.

Sabi pa ni Triomphe, agad nilang ipinapaalam tuwing may nadidiskubreng adverse event, at ito ang dahilan kaya binabago nila ang packaging o product label ng vaccine.

Pero ayon kay Health Sec. Francisco Duque, kumambiyo na lang ang Sanofi dahil gusto nitong i-water down ang naunang advisory na lumikha ng ingay.

Naniniwala ang kalihim na napakaraming kasinungalingan ng Sanofi sa usapin ng anti-dengue vaccine. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?