149
tito-sotto
By

Imbestigasyon ng Senado sa pagpatay sa mga pari, kinontra ni Sotto

Sharing is caring!

Tutol si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na mag-imbestiga ang Senado sa sunod-sunod na pagpatay sa mga paring Katoliko.

Ayon kay Sotto, dapat ipaubaya na lang ang imbestigasyon sa Philippine National Police (PNP).

Maari rin umanong makagambala lang ang Senado sa imbestigasyon ng pulisya kung sasawsaw sila rito.

Kung in aid of legislation, sinabi ni Sotto na wala siyang nakikita na magagawa pang batas na wala pa sa Revised Penal Code.

“I wonder what legislation can be taken up that is not already in the Revised Penal Code or anything to that effect. Mas gusto ko pa na asikasuhin ng mabuti ng law enforcement na maresolve yung kaso kaysa humarap sila sa hearing,” ayon kay Sotto.

Si Senadora Risa Hontiveros ang naghain ng Resolution No. 764 kung saan hinihingi ang imbestigasyon ng Senado sa diumano ay “pattern”ng pagpatay sa mga pari.

Naniniwala si Hontiveros na ang mga banat ni Pangulong Duterte sa Simbahang Katoliko ang nag-udyok ng karahasan sa mga pari.

Ayon kay Sotto, hindi na dapat haluan ng pulitika ang imbestigasyon sa pagpaslang sa mga pari.

Masyado rin aniyang maaga ang konklusyon na may “pattern” sa pagpatay sa mga pari.

“Baka nagkataon lang yan. Eh 100M ang Pilipino, ilan ang pari sa buong Pilipinas. Baka nagkataon lang yan. I dont think it’s a pattern,” dagdag ni Sotto.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?