29
harry-roque-3
By

Imbestigasyon ng Ombudsman kay Pulong, ayos lang sa Palasyo

Sharing is caring!

May kapangyarihan ang Ombudsman na maglunsad ng sarili nitong imbestigasyon laban sa sino mang opisyal ng gobyerno.

Inihayag ito ni Presidential Spokesman Harry Roque kasunod ng kumpirmasyon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na iniimbestigahan ng kanyang tanggapan si dating Davao City Vice-Mayor Paulo “Pulong” Duterte.

Ayon kay Roque, ang hakbang na ito ng Ombudsman ay bahagi ng kanilang mandato para mapanagot ang mga mapapatunayang may sala.

“The Office of the Ombudsman has the power to investigate on its own and initiate proper action against public officers.

We see this as part of the Ombudsman’s constitutional mandate to ensure public accountability,”ani Roque.

Kabilang sa mga iniimbestigahan kay Paulo Duterte ay ang umano’y kuwestiyonableng yaman nito batay sa pagsiwalat ni Senador Antonio Trillanes IV.

Si Paulo Duterte ay nagbitiw sa kanyang puwesto noong December 2017.

Limang kaso ang nakasampa sa Ombudsman laban sa Presidential son kabilang na dito ang kasong graft, forfeiture, perjury, violation of code of conduct for public officials, at conduct prejudicial to the best interest of the service.

Sinabi ni Ombudsman Morales na nag-inhibit siya sa lahat ng nakasalang na mga kaso laban sa First Family dahil pamangkin niya ang asawa ni Davao City Mayor Sara Duterte Carpio na si Atty. Manases Carpio.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?