19

By

Imbestigasyon ng Kamara sa pagpuslit ng P6B shabu kasado na

Sharing is caring!

Inihain ni Marikina Rep. Miro Quimbo ang House Resolution 2068 para paimbestigahan ang pagkakapuslit ng P6.8 bilyon na halaga ng shabu sa Bureau of Customs.

Ginawa ito ni Quimbo kahit nakakasa na bukas ang moto propio investigation ni House dangerous drugs committee chairman Robert Ace Barbers.

Sa kanyang resolusyon, binigyang diin ng kongresista na kailangan ang malalimang imbestigasyon sa paglusot ng toneladang shabu sa Bureau of Customs para matukoy ang nasa likod nito.

“It is simply shocking. I find this completely unacceptable that incidents like these continue to happen despite supposed reforms which the Bureau of Customs undertook in the aftermath of last year’s similar P6.4 B shabu smuggling case as well as the gargantuan intelligence budgets provided by Congress to both the BOC and PDEA,” ayon kay Quimbo.

Sabi ng kongresista, walang maaaring paliwanag dito kundi ang patuloy na corruption at incompetence sa ahensiya.

“What is even more worrying is that we don’t know how many more shipments like these have slipped through the porous grasp of the BOC,” sabi ni Quimbo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?