55

Jul 12, 2021 @ 14:55
By

Imbestigasyon ng Kamara inihirit sa pagkamatay ng PMMA cadet

Naghain ng panukala ang isang solon upang imbestigahan ang pagkamatay ng kadete ng Philippine Merchant Marine Academy na si Cadet 4th Class Jonash Bondoc.

Sa kanyang House Resolution 1953, hiniling ni Agusan del Norte Rep. Lawrence Fortun na pangunahan ng House Committee on Higher and Technical Education ang pagsasagawa ng imbestigasyon.

Sinabi ni Fortun na ang Kamara de Representantes ay mayroong oversight power sa lahat ng ahensya na nagpapatupad ng Anti-Hazing Law of 2018 (Republic Act 11053).

“The probe sought could result in the filing of administrative and criminal cases and introduction of appropriate legislations to prevent the recurrence of the same incidence of violence in the future,” sabi ni Fortun.

Si Bondoc ay natagpuang patay sa banyo ng Alpha Company Barracks ng PMMA noong Hulyo 6.

Batay sa autopsy report ay mayroon umanong mga pasa at galos ang biktima sa dibdib, sikmura, leeg, at ulo.

“The horrible injuries in different parts of Jonash’s body points to a case of hazing perpetrated by not just one person and these directly contradict the statement of the purportedly lone culprit Cadet 3rd Class Jomel Gloria that he simply punched the victim in the chest,” punto pa ni Fortun.

Nauna ng kinuwestyon ni Fortun ang pulisya sa mabilisang pagsasara nito sa kaso nang hindi man lamang umano nagsasagawa ng malalim na imbestigasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?