By

Imbestigasyon ng CHR sa pagkamatay ng 14 NPA, ‘no prob’ sa PA

Sharing is caring!

Walang problema sa pamunuan ng 2nd Infantry Division ng Philippine Army (PA) ang hakbang ng Commission on Human Rights (CHR) na imbestigahan ang nangyaring engkuwentro sa Batangas na ikinasawi ng 14 na miyembro ng New People’s Army (NPA).

Ayon kay Southern Luzon Command Acting Commander Major General Rhoderick Parayno, suportado nila ang anumang hakbang na gagawin ng CHR.

Pero nanindigan siyang malakas ang ebidensiya laban sa mga napaslang na NPA members dahil nakasuot aniya ang mga ito ng armas nang maganap ang engkuwentro sa Batangas kamakailan.

“We welcome CHR’s move to investigate said encounter. With all killed wearing their bandoleers and holding their M16s, we are confident that all those who died in the encounter are NPAs. We could only hope that said investigation will show results that are true, fair and not bias,” ani Parayno.

Umaasa naman si Parayno na magiging patas ang CHR sa gagawing imbestigasyon.

Kabilang sa nasawi sa naganap na sagupaan ang 22-anyos na dating estudyante ng UP na si Josephine Lapira.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?